February 22nd, 2011
Ang programang Buhay at Bahay ni Congressman Winnie Castelo ay nakasentro sa pagpapalakas ng kabuhayan at katiyakan sa paninirahan ng mga mamamayan na nagnanais umunlad ang kanilang kabuhayan.
Ang Buhay ay nakatuon sa gawaing microfinance, kooperatiba at skills training na kung saan ang maliliit nating kababayan ang direktang makikinabang upang makatulong sa kanilang pang-araw-araw na ikinabubuhay.
Ang Bahay ay nakatuon sa katiyakan sa paninirahan, land acquisition, community mortgage program, at mga gawaing magbibigay daan upang magkaroon ng disenteng tahanan ang ating mga mamamayan.
BUHAY
Ang programang Buhay ay nakatuon sa pangkabuhayan at ang paninindigan ni Congressman Winnie Castelo ay magkaroon ng dagdag na kabuhayan ang ating mga mamamayan sa pamamagitan ng mga sumusunod:
- KOOPERATIBA. Ang tanggapang ito ay nangangasiwa ng mga seminar, na naglalayong bigyang kaalaman ang mga mamamayan tungkol sa kooperatiba, mabalangkas at makapagtatag ng bahay-kalakal na sasapat sa pangangailangan at pakinabang.
- MICROFINANCE. Binibigyan ng pagkakataon ang mga maliit na negosyo na magkaroon ng dagdag na puhunan upang mapalakas ang kanilang kabuhayan.
- SKILLS TRAINING. Sinasanay ang mga mamamayan sa pamamagitan ng mga seminars sa pangkabuhayan upang magkaroon ng kapakipakinabang na gawain at makatulong sa pinansiyal na pangangailangan, gaya ng mga pamamaraan ng paggawa ng tocino, sabon, kandila, laruang pambata, at iba pa.
BAHAY
Ang programang Bahay ay nakasentro sa paninindigan ni Congressman Winnie Castelo na magkaroon ng katiyakan sa paninirahan ang mga kababayan.
- COMMUNITY MORTGAGE PROGRAM O CMP. Ang programang ito ay para sa lahat ng mga samahang nakatirik sa pribado o sa pang publikong lupa na layuning magkaroon ng katiyakan sa paninihan.
- EXPROPRIATION. Ito ay pamamaraan na kung saan ang gobyerno ang siyang bibili sa naturang lupa sa may-ari at ipagbibili ito sa mamamayang nakatirik sa naturang pribadong lupa.
- PUBLIC AUCTION. Ang lupa ng sinumang pampribadong may-ari na hindi nagbabayad ng amelyar sa loob ng limang taon ay maaring na itong mai-public auction at ipagbili sa mga nakatirik sa pribadong lupa.
- DIALOGUE AND NEGOTIATION. Ang tanggapan ni Congressman Winnie Castelo ay magsisilbing daluyan ng pag-uusap at pakikipagnegosasyon upang kumbinsihin ang may-ari ng lupa na ipagbili ito sa pamamagitan ng CMP.
- SEMINAR SA KARAPATANG PANTAO LABAN SA ILIGAL NA DEMOLISYON. Ito ay pabahay at pagbibigay ng impormasyon at kaalaman sa karapatan ng mga mamamayan ukol sa usaping demolisyon.

